X以外のSNSでの投稿にはPrivatter+がおすすめです
Xフォロワー限定公開・リスト限定公開の停止について

lugawan

全体公開 4 210
2025-05-16 19:15:54


Ang tagal na rin nung huling kain nila ni Mingyu ng lugaw sa gilid ng kalsada. Alas-diyes na ng gabi at hindi na ganon kaingay pero may iilan paring mga sasakyan ang nagsasalit-salit sa pagdaan.

Ganitong ganito sila dati. Gagabihin at malilipasan ng gutom pero ilang lakad lang basta't may makita silang lugawan, paresan, o kahit anong street foods, hindi sila pumapalyang huminto muna para kumain dahil sa kalunsurang nalulunod sa pangarap at butal butal ang kasiguraduhan, natuto silang huminto sa kalsadang malawak at kahit sa eskinitang maliit man basta't tama lang para sa kanilang dalawa. Tama lang para tumigil muna at magpahinga.

Dahil para kay Wonwoo, maalikabukan, mabugahan ng usok at mabusinahan man, ito ang kaisa-isang katahimikang sigurado siya.

Wonwoo can do this forever.

"Hinay hinay lang." Nakangiting sambit niya habang nakatingin kay Mingyu na nakadalawang nilagang itlog na.

"Katulad na katulad kay Aling Reyes 'yung lugaw nila. Nakakamiss."

"Kaya nga eh. Kahit 'yung itlog."

"Wons naman. May iba pa bang lasa 'yung nilagang itlog?" Napatawa naman si Mingyu.

"Oo. 'Yung iba maalat. 'Yung iba over sa boiled, 'yung iba perfect lang. Parang ako."

Mingyu chuckles and continues to eat at ganon rin si Wonwoo.

Nung sinabi ni Jeonghan na "I remember the reason why you fell in love with him." Gusto sana niyang tanungin ito no'n kasi siya hindi niya matandaan. Hindi niya alam kung kailan o kung ano mismo ang dahilan. Hindi niya mapunto kung kailan pumitik sa utak niya o nahirapan siyang huminga dahil sa katotohanang mahal na niya si Mingyu.

Hindi niya maisa-isa at mabalikan lahat ng umaga para tiyakin ang katagang 'Basta't paggising ko, mahal ko na siya.' Ang alam niya kasi, simula nung nakilala niya si Mingyu hindi na siya muling nakatulog pa. Gising na gising siya sa pagmamahal dahil araw araw ito pinapakita ni Mingyu.

"Buti gumana 'yung kotse?"

"Nakailang pihit ako tapos gumana naman."

"Try mong ipaayos agad baka magkaaberya ulit eh."

"Ayos pa naman. Kailangan lang samahan ng dasal." Tawang sabi ni Mingyu.

Habang unti-unting nauubos ang lugaw nila, mas lalong humahaba ang kwento ni Mingyu. Kahit na inaayos na nila ang maliit na lamesa at nililinis ito bago pasalamatan ang tindera, tuloy lang ang kwento niya.

Nalaman na ni Wonwoo na nung nakaraang araw umabsent si Minghao tapos ang dahilan na-lbm siya kahit ang totoo, tinamaan siya ng hangover. Si Sol naman nag-adopt ng bagong pusa, si Seungcheol nagumpisa nang magtipid. Pati narin ‘yung pangalan ng mga new hire alam na niya.

Pero ni isang beses wala siyang nabanggit tungkol sa kung anong bumabagabag sa kaniya. Gustong magtanong ni Wonwoo, maisingit man lang niya. Gusto niya lang malaman kung ano talaga ang nararamdaman ni Mingyu. Ang hirap niya kasing basahin minsan, ang hirap niyang buklatin. Simula’t sapul pa lang kasi parang ang dami na nitong buhat buhat na libro, na parang sa kada pahina ay dala dala niya ang bawat letrang hindi niya maibaba muna kahit saglit. Ang hindi niya alam handa naman si Wonwoo na umakay at unawain ang mga salita niya.

Kaso wala siyang nagawa. Dahil dinikit na ni Mingyu lahat ng bigat sa likod niya para hindi mahirapan si Wonwoo mula sa pagkakahawak sa mga kamay niya.

__________________________________________

Ilang eskinita na lang ang layo pauwi sa kanilang apartment. Hindi rin naman talaga kalayuan ang lugawan kaya kanina inuwi muna nila 'yung kotse saka naglakad papunta at ngayon ganon rin pauwi. Ang kinaibahan lang ay mas lumalalim na ang gabi at mas sinasakop na sila ng katahimikan. Mas lumalamig.

Nobyembre na nga pala at bilog ang buwan ngayon. Hindi man lang niya kinailangan tumingin sa langit para malaman dahil mas malinaw ito mula sa mga mata ni Mingyu.

Nang mapansin nito na humahangin, tinanggal niya agad ang blazer niya at iniakap kay Wonwoo. Ikinabit ang mga kamay nila sa isa’t isa na saktong sakto. At simula no’n hindi na muling naramdaman ni Wonwoo ang lamig buong gabi.

Magaspang ang buong palad ni Mingyu. Mararamdaman ang mga kalyo sa gilid ng mga daliri niya.

"Wons..." tawag ni Mingyu na siya paring nakatingin sa buwan.

Wonwoo hums. Mahina pero tama lang para marinig ito pati ng mga bituin na naghihintay rin sa sagot rin ni Mingyu.

Magaspang ang buong palad ni Mingyu.

Bunga ito ng mga hindi mabilang na part time jobs noong panahong nag-aaral pa lang sila. Naging barista, bagger, waiter, pati na rin delivery man. Hanggang ngayon isa paring kataka-taka kay Wonwoo pano nito napagsabay lahat at kahit isang beses hindi ito pumalyang sunduin siya.

“Do you think we can ever own a forever home?"

Wonwoo smiles. At sinagot ito nang walang pagaalinalangan, "We already have. Hangga't magkasama tayong dalawa.”

Naramdaman ni Wonwoo na biglang napapisil si Mingyu sa magkadikit nilang kamay. Binasa ang mga labi at napabundong hininga. Ang kaninang malinaw na repleksyon ng buwan sa kaniyang mata'y ngayo'y gumawa ng sariling buwan sa loob ng talukap niya.

Magaspang ang buong palad ni Mingyu at ayon ang dahilan kung bakit gustong gusto niya itong hawakan.

Napalunok ng laway si Wonwoo at parang natuyot ang lalamunan niya. Hindi niya alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya. There’s an urgency, an inhale before a scream. Wonwoo wants him to know.

Dahil kung sakali mang maisipan ng langit at lupa na magkaisa at ito na ang huling gabi na iikot ang mundo, na kung unti-unti nang napupunit ang walang hanggan at malapit nang sumabog ang santinakpan, gusto niya lang sabihin.

Na kung saka-sakali mang ito na ang tanging pagkakataong maihulma niya ang mga kamay niya sa balat ni Mingyu o bigla niyang makalimutan ang pagbigkas ng pangalan nito at wala nang kasunod na buhay para maisulat niya ulit,

Gusto niya lang ipaalam kay Mingyu.

“Gyu, alam mo baMahal na mahal kita.”

Napatigil bahagya si Mingyu at nang makonpirma niyang tama ang narinig niya unti-unti lumilitaw ang ngiti niya.

"Mahal na mahal din kita, Wons."

__________________________________________


That night, after they returned home, Wonwoo still didn’t remember why he had fallen in love with him. Yet he would continue tofor as long as life endures.


投稿にいいねする


© 2026 Privatter All Rights Reserved.