X以外のSNSでの投稿にはPrivatter+がおすすめです
Xフォロワー限定公開・リスト限定公開の停止について

your role

全体公開 17 3445文字
2026-06-02 23:40:09

No Home For Both of Us: Siete by gwinlentia

“your role . . .”

Content Warning: Did not proofread.

All Rights Reserved 2026.

“Makakaya ko ’to,” bulong niya sa sarili niya ng paulit-ulit habang naglalakad sila ngayon papuntang conference room.

Malakas ang kabog ng dibdib ni Ado habang naglalakad sila ngayon. Humihigpit din ang pagkakahawak niya sa clipboard at folders. Pakiramdam niya nga ay nalulusaw na siya sa kaba. At habang naglalakad, mas lalo pang lumalakas ang kabog ng dibdib niya.

“Reyes.” Humarap ang boss niya sa kaniya.

“Yes, Sir?” Napatigil siya sa paglalakad at inayos ang suot niyang salamin na muntikan ng mahulog.

When his eyes met his boss’ face, the beat of his heart intensified. Nakasakop ang kilay nito at nakapamulsa.

“Prepare yourself,” sabi nito. “This isn’t different from me ordering you to do certain jobs.”

Napalunok siya. “Yes, Sir Arcega! Noted.”

Napabuntong-hininga ito. “Anong kinakabahan mo ngayon, Reyes?”

Hindi siya makapaniwala sa tanong ng boss niya. Mabigat man kung paano nito binigkas ang bawat salita, pero magaan naman ang ipinapahatid.

“N-not to be competent like Sir Anthony, Sir,” nahihiyang sagot niya.

Bigla siyang nagsisi sa sinagot niya, pero wala na; nasagot niya na. Napatingin na lamang siya sa sahig at napakagat ng pang-ibabang labi niya.

Dumaan ang ilang segundong katahimikan sa kanilang dalawa bago niya narinig na muling napabuntong-hininga nang malalim.

“I don’t really care about you being like Anthony,” his boss started saying.

Hindi niya mapigilang manlaki ang mga mata niya at napataas kaagad nang tingin para tumingin sa boss niya.

“S-Sir?”

Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. His boss is always stoic, but he was more shocked that his boss could still say something like that.

Ado knows he wasn’t as competent as Anthony. Anthony was on another level of being his boss’ secretary. Being able to reach that kind of level needs more time for him to learn.

Kaya pakiramdam ngayon ni Ado, hindi niya deserve na maupo mamaya sa conference room kasama ang mga nagtatrabaho sa marketing department dahil sa mga naririnig niya tuwing humihingi siya ng mga pinapahingi ng boss niya.

“Why send someone who’s incompetent?”

“I bet, hindi naman talaga siya magaling. Balita ko nga, basta-basta lang siyang nakapasok dito.”

“Oh my god! You also wouldn’t believe this, but according sa HR, hindi naman daw kompleto ang resume niya. Hindi puno. Maraming blank spaces.”

“Really?”

Ado could only act like he wasn’t affected, but he was totally affected because it’s true. Why deny?

However, even after all those words he received from the marketing department, he didn’t let those things affect his entirety because he has Siel that he works for.

But now, hearing from his boss that he doesn’t really care about him being not competent like Anthony, gave him a motivation to work hard not just for Siel but also for his boss.

“You are one of my secretaries, Reyes. Your role, for me, is to record the meeting and take notes of everything important.”

Nag-init naman ang pisngi niya.

“Is that clear for you, Reyes?”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para itago ang nagbabadyang ngiti sa labi niya.

“Yes, Sir Arcega,” sagot niya, “clear po.”

“And call me Sir Ruel,” sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya, pero mabilis niya ring binura at tumango.

“Yes, Sir R-Ruel.”

“Good!” sagot nito at tinalikuran na siya. “Let’s go!”

Hindi niya mapigilang mapangiti at sumunod na sa boss niya.


投稿にいいねする


© 2026 Privatter All Rights Reserved.