2min one-shot wherein Seungmin is fine just by looking at Minho from afar.
@wooyeoonwp
“Psst, diyan ka lang?” Tumango naman ako. “Doon ako kay Kuya Minho, ha?”
“Sure ka, Seung?” Napatawa ako. “Sige na, dito lang ako. Hintayin ko si Jeongin.”
Sinundan ko lang ng tingin si Hyunjin hanggang sa hindi ko na siya makita. Nasa may quadrangle ako, malapit sa gym. Siya naman ay pumasok sa loob ng gym para mag-practice na sa kanilang performance para sa darating na Intrams opening.
Hinihintay ko si Jeongin, patapos na ang kanyang klase. Sa kanya na lang ako sasabay pauwi, tutal parehas lang naman ang way ng bahay namin.
Nang makita ko na siya ay kumaway ako para kunin ang atensyon niya.
“Sorry, kanina ka pa?” Umiling naman ako. “Kasama ko naman si Jinnie kanina. Uwi na tayo?”
“Gusto mo na bang umuwi? Gusto ko pa sanang manood ng practice nila Hyunjin, pero kung gusto mong umuwi na, tara na.”
Napaisip naman ako ro’n. Ilang beses ko nang hindi napapanood ang practice ni Hyunjin dahil ayaw kong nakikita si Minho. Hindi naman sa ayaw o galit ako sa kanya, hindi lang ako komportable kapag malapit siya sa ‘kin.
Bumibilis kasi ang tibok ng puso ko.
Pagpasok namin sa gym ay kitang-kita ko na agad sila Hyunjin. Walang nagpa-practice ng basketball ngayon, nasa isa silang gym. Solong-solo ng dance troupe ang gym.
“Kuya Minho!” Nagulat ako sa biglang pagtawag ni Jeongin. Napakagat ako sa aking ibabang labi.
Putangina.
“Ayen, kanina pa kayo?” Umiling naman si Jeongin. “Halos kakapasok ko lang din. Seungmin nga pala, tropapips namin ni Hyun.”
Tumingin siya sa ‘kin at ngumiti nang malaki. “Hi! Lagi kayong kinekwento ni Hyunjin sa amin. Lalo ka na, Ayen. Hindi ko alam kung lagi lang ba talaga kayong magkasama o type ka niya, e.”
Napatawa naman si Jeongin. “Bolero mo pa rin, Kuya. Kumusta kayo ni Chan?”
Napaangat naman ako nang tingin. Hindi ko lang pinahalata na nakikinig ako sa usapan nila.
Sino si Chan?
“Ayon, ok naman. We’ll be celebrating our 2nd anniversary sa Seoul, okay na ang lahat. Oo niya na lang.”
“Surprise gala ‘yon? Sana all!”
Para namang napantig ang tainga ko sa narinig. 2nd anniversary? May jowa si Kuya Minho?
Para namang nawasak ang puso ko sa narinig. Bakit hindi ko alam? Tatlong taon na akong may gusto sa kanya pero hindi ko alam na may jowa pala siya. All this time, akala ko single siya.
Nagsimula na ulit sila mag-practice. Wala naman ako sa mood manood kaya isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikay ni Jeongin.
“Okay ka lang?” Marahan naman akong tumango. “Bakit hindi ko alam na may jowa pala si Kuya Minho?”
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Ayaw mong sumasama sa amin kapag manonood kami ng practice ni Ji. Kung sumasama ka lang, edi sana alam mo.”
“Bakit hindi mo sinabi?”
“Hindi ko rin naman alam na wala ka palang ideya.”
Ramdam ko naman ang pagyakap niya sa ‘kin. “Oks ka lang?”
“Okay lang ako, baliw. I’m fine… just by looking at him from afar.”