X以外のSNSでの投稿にはPrivatter+がおすすめです

taming the wildfire // 490

全体公開 35 1524 7 10154文字
2022-11-04 03:06:38

hindi po ito smut. wag umasa. masyado lang mahaba para magkasya sa 4 pictures na limit ni twitter sa isang tweet.

Posted by @woodzjeon

I never thought I’d feel hatred towards Psalm Adrian Yuchengco.

He was sweet, thoughtful, kind He can be playful at times, naive, and vocal He made me feel special. Cared. Loved. Kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit nahulog ako ng sobra sa kanya.

How did we end up this way?

Alam ko namang may kasalanan ako. Alam kong nag kulang ako bilang boyfriend niya. But if he really loved me, bakit hindi niya ako kayang paniwalaan? Bakit hindi niya ako kayang pagkatiwalaan?

Maybe Maybe he really didn’t love me. Baka akala niya, mahal niya ako, pero hindi naman pala. Maybe he just like me. Maybe it was just lust. Hindi ko alam.

One thing I’m sure Hindi niya talaga ako minahal. And that thought alone was enough to leave an ache that just wouldn’t leave. Kahit anong gawin ko, nandoon pa rin ang kirot. Kahit na ilang araw muli ang lumipas na hindi ko siya nakita, hindi nawala ang sakit na iniwan niya.

I fucking hate him.

Sana hindi ko na siya makita kahit kailan. Sana makalimutan ko na siya agad. Sana mawala na ang pagmamahal ko sa kaniya. Sana.

Huminga ako ng malalim at nag patuloy sa pagpunas ng lamesa. It was another night at work. Thursday ngayon kaya hindi masyadong maraming tao but enough to keep us busy.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng apron ko. It was a text from Jace.

‘Might swing by later. See you.’

Napangiti ako. Itong lalaking ‘to talaga Sabi hindi daw siya dadalas dito pero halos gabi gabi namang nandito. Ayos lang naman sa akin pero nakakahiya ‘din kasi alam kong dahil sa akin kaya siya nag pupunta.

He said it’s because wala naman daw siyang madalas ginagawa. Plus, bestfriend niya ang owner ng bar kaya madalas niyang ka-hang out rin ito kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Hindi na rin ako mag rereklamo. Nakaka libre ako lagi ng pamasahe pauwi. Ang mahal kaya! Isang bus at dalawang jeep ang byahe ko. Sa jeep pa lang, mag kano na ang gastos ko. Hindi naman ganon kalaki ang sahod ko dito.

‘Okay~ See you 😘’

Nakangiti kong sinend iyon. And as I was putting it back in my pocket, I met a familiar gaze.

Agad nawala ang ngiti ko. What the fuck is he doing here? And alone?

Psalm kept staring at me. Walang pake kahit na nahuli ko na siya. I noticed a few bottle of beers on his table. Kanina pa ba siya dito? At bakit wala siyang kasama?

Tinaasan ko siya ng kilay. Halos walang emosyon siyang nakatitig sa akin. Tinitingin mo? Bakit ka ba nandito?

Inirapan ko siya at muling bumalik sa trabaho. Hindi ko pinansin ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko Lalo na at kahit hindi ako nakatingin, alam kong pinapanuod niya ako.

Weirdo talaga ng tanginang ‘to.

Nang lumalim ang gabi, mas dumami ang tao kaya mas naging busy ako. Hindi ko namalayan ang oras.

Psalm was still there. Alone. Tahimik na iniinom ang mga beer. Hindi ko alam kung nakakailan na siya pero marami ng basyo ng bote sa tabi niya and he won’t stop ordering.

Tangina? Akala mo naman malakas uminom! Hindi na ako magulat kung bagsak ‘yan mamaya!

Teka, pano uuwi ‘yan? Siguro naman may kaibigan siyang susundo. Kasi wala akong number ng mga kaibigan niya o pinsan. Dinelete ko lahat.

Ay ewan! Pake ko ba? Kung walang mag uuwi sa kanyang kung malalasing siya, edi matulog siya dyan sa lamesa! Bwisit siya!

Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili kong tignan siya from time to time. Minsan, nag tatama ang tingin namin pero agad akong umiiwas at agad nag kukunwaring busy.

May mga nag tangkang lumapit sa kanya. Lalaki. Babae. But he ignored all of them. As in. Ni tingin hindi niya ginawa. Lumalagok lang siya ng alak. Kita ang iritasyon sa mukha ng mga lumapit. Buti nga sa inyo.

“Psst! Khe!” tawag ko sa isang kasama ko. Lumapit naman siya sa akin. “Naka ilang beer na ‘yung nasa table 15?”

“‘Yung poging alpha?” Napangiwi ako dahil parang kinilig pa siya. He smiled. “Nakaka-sampu na ata ‘yon.”

“What?! Seryoso ba?!” Tangina?! Bagsak talaga ‘yan mamaya! Himala na ngang nakaupo pa ‘yan ngayon! Problema ng gagong ‘yon?!”

“Oo! Um-oorder pa nga ng tatlo–“

“‘Wag niyo ng bigyan,” mabilis na saad ko. Ta-tatlo pa siya? Baka sakalin ko siya. “Lasing na ‘yon.”

“Ay desisyon ka, Sin? Bahala ka! Baka mamaya mag reklamo pa si pogi pag ‘di binigyan! Ayoko mapagalitan ni manager! ‘Lam mo namang dragon ‘yon.”

Gusto ko pa sanang kumbinsihin siya pero na realize ko ulit – ano bang pake ko? Edi mag lasing siya! Bahala siya dyan!

Hinayaan ko na si Khe na bigyan si Psalm ng mga inorder siya. Inabala ko na lang ang sarili ko at ng bigyan ako ng time mag pahinga, agad akong dumiretso sa locker.

Nakatanggap ulit ako ng text kay Jace. ‘Sin, baka hindi na ako makapunta. Napaaway ‘yung kaibigan ko. Bugbog sarado. I’m in the hospital right now.’

Putangina? ‘Hala! OMG! Ayos lang! Ano ka ba! Unahin mo ‘yan!’

‘Thank you. I’ll make it up to you tomorrow.’

‘Kahit wag na! Praying for your friend!’

Hindi na ako nakabalik sa labas dahil inutusan akong tumulong mag linis sa kusina. Nagka-emergency kasi ang isa sa mga naka-assign doon. Manganganak na ata yung asawa. Kaya umuwi agad.

Ayos na rin. At least hindi ko na makikita ang bobo kong ex.

Humihikab na ako ng matapos ang shift ko. I stretched my neck as I open my locker. Finally! Makakauwi na rin ako!

“Sin, tawag ka ni Sir Kent,” said Khe.

Bakit na naman? Tapos na shift ko! Pero syempre, hindi ako pwedeng mag reklamo.

“Huh? Oh sige. Mag bibihis lang ako mabilis,” sabi ko at agad tumungo sa maliit na CR namin upang mag palit lang ng t-shirt.

Nang lumabas ako, nasa may bar counter na sila, tumpok.

“Ayan na po si Sinclair!”

“Sir Kent, pinatawag niyo daw po ako?”

“Balita ko kasi kakilala mo ‘yung customer sa table 15?”

“Sir! Boyfriend niya ‘yan!” intrimidida ni Riz, isa sa schoolmate ko. Ngumiti siya ng malaki sa akin, parang nang aasar pa. Eh kung sabunutan kita?

“Boyfriend mo ‘yon, Sin?! Gwapo ‘non ah?!”

“Break na kami! Tagal na!” sabi ko bago bumaling sa manager namin. “Bakit po ba Sir Kent?”

He heaved a sigh at tinuro ang table ni Psalm. “Tignan mo.”

Oh diba? Bagsak siya ngayon. Siya na lang natitirang customer dito. Inom pa! Tangina ka!

“Since you know him, might as well help him get home.”

“P-Po?”

“Paki-uwi na niyang ex boyfriend mo. Mukhang ikaw rin naman ang ipinunta dito eh.”

Siguro, may hinanakit sa akin ang mundo. Bwisit naman! Gustong gusto kong tumanggi pero kasi! Nag papabango pa ko sa masungit na manager na ‘to eh! Bwisit ka, Psalm! Sarap mong bayagan ng ‘di ka magka anak!

I had no choice. Nakasimangot akong lumapit kay Psalm. Nakasubsob pa rin sa lamesa.

“Hoy,” tawag ko sabay tulak sa braso niya. “Gising. Psalm. Hoy!”

Marahas akong huminga at mas nilakasan ang hampas sa kanya. I heard him groan at ilang saglit lang ay inangat niya ang ulo niya.

Medyo na mesmerize pa ko kasi ang gwapo talaga ng gagong ito. Kahit sabog na ang mga mata sa kalasingan, kahit pulang pula ang mga pisngi, gwapo pa rin.

“Uuwi na kita,” sabi ko. Hindi siya sumagot and just stared at me. “Dala mo kotse mo? Iwan mo na lang dito. Di mawawala ‘yon. Iga-grab kita pauwi.”

Hinawakan ko ang braso niya at hinawak siya palayo. “Tayo, Psalm.” He didn’t budge and just stared at me. Sinubukan ko siyang hatakin patayo pero ang bigat niya!

Kaya naman ay tinawag ko ang isang bouncer at humingi ng tulong. Inakay namin si Psalm palabas ng bar. Oo, namin dahil inakbay ko rin sa akin ang isang braso ni Psalm.

Amoy na amoy ko ang alak sa kanya but he still smelled good. At parang kinalikot ang sikmura ko being this close to him again. He felt so warm.

“Dito, Kuya. Upo natin siya dito,” tukoy ko sa waiting shed sa tabi lang ng bar.

Inupo namin si Psalm doon at agad niyang sinandal ang ulo sa pader at muling pumikit. Sarap kurutin sa singit! Iinom inom hindi naman kaya! Pasikat!

“Ayos na?”

“Oo, Kuya. Salamat! Libre kita yosi bukas!” sabi ko at natawa lang siya, shaking his head as he leave us.

Nang makaalis ang katrabaho ko, agad akong sumimangot. Tinignan ko si Psalm. Nakapikit pa rin.

“Hoy, sabihin mo nga sakin ba’t uminom ka mag isa? Ang dami pa! Tanga ka talaga eh no?” pag tataray ko dito. Wala akong nakuhang sagot sa kanya at napairap na lang ako.

Nilabas ko ang cellphone ko at agad pumunta sa grab. Teka pano ko pala babayaran ‘to? Ay ewan! Mga katulong na nila mamroblema! Buti na lang rin tanda ko pa address niya.

And as I was typing, nakaramdam na lang ako ng kamay na humawak sa bewang ko at hinatak ako palapit.

“Psalm–“

Parang huminto ang pagikot ng mundo. Psalm pulled me closer, in front of him, between his legs. And then he snaked his arms around my waist, hugging it as he buried his face on my stomach.

My heart took a leap.

“P-Psalm–“

“I miss you” he whispered but I heard it loud and clear.

Parang hiniwa ang puso ko. Simula ng mag hiwalay kami, puro galit na tinig na lamang ang narinig ko sa kanya. But now now he sounded sad alone

“I miss you so much, Sin

Umiwas ako ng tingin. My eyes watered as my heart kept aching. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. And later on, naramdaman ko ang unti-unting pag alog ng mga balikat niya.

He was crying.

“H-Hindi ka mawala sa isip ko Hindi kita makalimutan” he mumbled, voice shaking. Dahil manipis ang t-shirt na suot ko, agad kong naramdaman ang pagkabasa ‘non dahil sa luha niya. “Yung mukha mo Yung boses mo Yung amoy mo Hindi ko makalimutan

“B-Bakit, Sin? B-Bakit mo ko niloko? Mahal na mahal kita Ginawa ko naman lahat ah? Ginawa ko lahat Binigay ko lahat para sumaya ka sakin Kasi mahal na mahal kita M-Mahal na mahal kita, Sin Bakit mo ko niloko? Hindi ba ko naging sapat? Nag k-kulang ba ko? Bakit, Sin?”

Napatingila ako at mariing kinagat ang pangibabang labi ko. Fuck. To hear him cry To hear him ask those questions It fucking hurts.

With my shaky hands, hinaplos ko ang buhok niya. Muli kong binaling ang tingin sa kanya.

“I love you, Psalm I love you too Hindi kita niloko” I whispered, my voice shaking as well. “Bakit hindi mo ako kayang paniwalaan?”

Hindi ako nakatanggap ng sagot sa kanya. I never heard the answer kung bakit kahit mahal na mahal niya ako gaya ng sabi niya hindi niya ako magawang paniwalaan.


投稿にいいねする

@brakeeeee45
umiyak*
2022-11-05 12:16:23
@heedeungii_e
/humagulgol;
2022-11-12 02:42:45
@_wonwonnieee
Happy new year siguro 😭😭😭🚶‍♀️🚶‍♀️
2022-12-31 20:37:19
@brosdrafts
plss author nim wag mo kaming saktan😭😭😭😭😭😭😭
2023-01-02 00:49:50
@whoscalcifer
Nagdabog*
2023-01-26 00:56:42
@yen_vnoo
KINGINA T^T
2023-02-17 21:25:19
@jaeachimiwa
Okayyyyy🫤🫤🫤😢
2023-02-23 00:49:54

© 2026 Privatter All Rights Reserved.