@BELLENID0NNY
Soiree's POV
I've finally arrived at their village, grabe. Knowing that this village is extremley exclusive, alam ko na agad kung gaano ka-powerful ang pamilya nila. Well, alam ko naman yung possibility na mayaman si Gio, pero hindi ko alam na GANITO.
"Who's your purpose of visit ma'am?"
"Saavedra. Senator Pachecho."
Bakit hindi ko ba naisip 'yon? It's fully written on his data that he's a Pachecho-Saavedra? Of course he's related to them.
She's his mother..is that the reason why he usually distance himself to the rich? Knowing his mother's reputation..and knowing Gio's morals..mukhang hindi nga sila magkakasundo.
And sabi ni Rie..ayaw pa nito sa'kin. That's the reason why i'd want to have some conversation with her—to make everything clear. To fight for him. Because i..like him too.
"Good evening, Ms. Fournier..sabi po ni Senator maghintay po kayo dito may tinatapos lang po siya." balita ng isang kasambahay nila, i nodded my head and smiled.
"Sige po, i'll wait."
Nang maiwan mag-isa sa sala, agad kong tinignan ang mga pictures na nakapatong doon. Halos mukha lang ito ni Gio nung maliit pa siya, grabe, walang pinagbago! Talagang nakasalamin na pala talaga siya noon pa lang 'no?
"Papa mais on devrait au moins lui dire!" I immediately turned my head from where the familiar voice is coming from and my eyes widened in shock when i saw my sister..with papa.
Anong ginagawa nila dito?
"D-daddy." I uttered under my breathe, hindi ko alam kung hindi niya ako nakita but he seems avoiding my gaze. A-ano ibig sabihin nito?
"Ma'am Sua, punta na daw po kayo sa taas." muling pagtawag sa'kin nung kasambahay kaya agad akong tumango ulit, pinasadahan ng tingin si daddy at ang kapatid ko bago naglakad diretso sa kwarto ng taong pakay ko.
Her room is extravagant, normal room for a rich and powerful woman like her. Full of frames, but no family pictures. Just paintings from obviously, well-known artists just like Van Gogh and Michelangelo and many more.
"So..what's it that you want to talk about, hija?" She began asking while still througly scanning her papers. Yung kaninang lakas ng loob ko, biglang natunaw when she started speaking. Gusto ko lang siyang tanungin, ngunit bigla akong kinabahan.
Naisip ko..siya pa rin pala ang mommy ni Gio..
"About Gio."
"Of course, it's about my son. What's with him?" Her remarks seems normal yet so icy cold. She's so different from him.
"Nabalitaan ko yung tungkol sa pagpapa-imbestiga mo sa'kin. Pati ho yung pagtutol niyo, gusto ko lang malaman kung ano po ang dahilan ng mga 'yon?" hirap man, pilit kong diniretso. Kailangan nang matapos nito.
Nakita ko ang pagtigil nito bago mag-angat ng tingin sa'kin. Tumayo siya mula sa pagkaupo at maingat na umupo sa kanyang lamesa. Nakahalukipkip at diretso ang tingin sa'kin.
"Ayan lang ang pinunta mo dito?"
"Y-yes."
"Okay, hindi na kita idadaan sa paligoy-ligoy na usapan. I think my son deserves someone better. Tingin mo rin naman diba?"
Your son deserves someone who can love him.
"How do you define a better woman po ba?" Wala sa sariling tanong ko. I feel so offended dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko ang baba ng tingin niya sa'kin.
"You can actually answer that yourself, hija."
Huminga ako ng malalim at pumikit. "Gusto ko po ang anak niyo. At gusto niya rin po ako."
Tumaas ang kilay nito, animo'y hindi binibili ang lahat ng lumalabas sa bibig ko. "Hindi sa ganyan umiikot ang mundo, hija. Marami ka pang bigas na kakainin--"
"Your son loves me. He told me he loves me."
"Do you really think he knows what love is? Kilala mo ba yung lalaking nakakasama mo, hija? Sa pagkakaalam ko, you don't even know that i am his mom, not until today."
Dire-diretsong pagsasalita nito. Napaatras ako at pawang natigilan.
"I'll ask you again, set aside his love. Do you think you deserve him?"
"No wonder Gio chose to live far away from this cruelty. You keep choosing what's the best for him and yet you can't give him the best life as his mom. I won't judge you po, you raised a good and decent man." pinunasan ko ang luha sa aking mata at tumalikod.
"If that's if..you really RAISED him." I said before marching my way to the door. I realized na wala naman akong makukuhang sagot sakanya. Ayaw niya sa'kin at mukhang desidido na siya.
Hahawakan ko na sana ang door knob when i heard her speak again. "I hope you still fight for that love after knowing that the man you adore so much is now engaged."
I gulped once again and turned my gaze to meet her eyes again. "A woman insisted to marry him. I was about to ask your sister if she wants to get married. But..i think luck is with me. I just got the message from that woman's dad."
Hindi ako sumagot at nanginginig na pinihit ang door knob, paglabas ko ay nakita ko ulit ang daddy at kapatid ko. They are both looking at me as if they're waiting for me to say something.
"How's it?" nang-aasar na tanong ni Chez. "You bitch."
Tatawa-tawa itong umiling na lalong kinaasar ko. "I like Gio you see, but i am not THE bitch, Sis."
"Franchezka." pagsasaway ni daddy. Pft.
"Perhaps..ask your friend?" sarkastikong usal niya, ayaw ko na siyang patulan. Kaya tumalikod na ako at nag dire-diretsong naglakad papalabas.
"Alis na po ako." Paalam ko sakanila ngunit mukhang natataranta ang mga ito. Tinignan ko ang direksyon na pinupuntahan nila at nakita ko ang ilaw mula sa kotse.
"Ingat po ma'am saglit po ah? Dumating po kasi si Sir Gio." natataranta niyang paalam sa'kin. Pinanood ko lang sila magkagulo, mukhang biglaan ang pagpunta nito.
He's here..
Nagtago ako agad sa likod ng table malapit sa pintuan, walang makakakita dito unless pupuntahan mo talaga.
"Where's mom?!" sa tono nito, mukhang galit din siya.
Looks like we're here for the same reason..