X以外のSNSでの投稿にはPrivatter+がおすすめです

🏷️ PAHIMAKAS— 763

全体公開 231 7775文字
2023-02-25 23:50:58

LONG NARRATION

Soiree's POV (FLASHBACK)

"N-napatawag po kayo.." i still can't believe that i'm actually sitting right in front of the woman i never wanted to see again. "Senator.."

She took a sip of her coffee. How can she act normally why i can barely hold my cup? "It's been a while, Soiree." Oh, finally. Narinig ko na rin ang pangalan ko mula sa bibig niya. Hindi bilang isang anak ng kabit, kundi bilang ako.

But even though gaano pa kalaki ang galit na nararamdaman ko, pinanatili ko pa rin ang kalmado kong postura. Dahil alam ko, ano man ang gawin ko..she's still the one who gave birth to the man i'll always love.

At..lola pa rin siya ng anak ko.

"O-oo nga po eh. Kamusta po kayo?" tanong ko pabalik. Ngumiti lang ito bago naging tahimik saka siya muling nagsalita.

"Alam mo bang hindi pa pinapanganak si Gio naka-plano na ang buhay niya sa pamilya namin?" natigilan ako nang marinig ko ang pangalan niya. "My dad would always tell me that my son is going to be the one to secure our dynasty in politics, and he would often pressure me about it. Hanggang sa lumabas yung bata at pinalaki ko ito."

Saglit pa siyang natahimik bago puwersang ngumiti. "Gio used to adore me so much. Tuwing uuwi ako, mag aabang siya..sa'min ng daddy niya. Sa murang edad he already knows what he's doing and we were so happy back then because we saw his potential. Matalinong bata."

Ang ngiti sa mata niya ay unti-unting naglaho. "Ngunit unti-unting nagbago 'yon habang lumalaki siya. Hindi ko nabibigyan ng atensyon eh, laging yung driver lang namin noon halos ang kasama niya. Kilala mo 'yon..yung tatay tatayan niya."

Napangiti ako nang maalala ko si tito, hindi man siya ang totoong tatay ni Gio, alam ko at nakita kong tinuring niyang totoong anak ito.

"He's slowly growing up against us. Hindi ko alam ang gagawin. Nagbago ang lahat..pati ang pamilya namin. Maghihiwalay pa nga kami ng daddy niya dapat, and Gio saw that. Heard that. And lived with that."

Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha nito.

"But then..Gabi came..akala ko magiging katapusan na ng kalbaryo namin. Si Gio nagsisimula na ulit sumaya, yung pagmamahal niya binuhos niya na sa kapatid niya. Kaya akala ko magiging maayos na ng tuluyan ang pamilya ko pero hindi."

"Nung sinabi sa'min na may sakit siya sa puso hindi namin alam ang gagawin." Pero bakit ganon ang nangyari

Her voice is starting to shake, parang kung anong oras ay bibigay ito.

"Even Gio was devastated. Pero akala niya wala kaming pakielam. Mas lalong lumayo ang loob niya until he decided to move out and live a simple life. He even made it clear that he doesn't want to be involved in politics ever. My dad was so mad about it and continued to pressure me again. Sabi niya kung hindi ko aayusin ang anak ko, paano ko magagawa 'yon sa bansa? Nasubok ako, even though i knew deep inside me that it's not my child who needs to be fixed but myself."

She stopped talking and reached for my hand that is currently lying on the top of the table. "Pero maniwala ka man o sa hindi, mahal na mahal ko sila. W-walang excuse yung nagawa ko sa mga anak ko..pati na rin sa'yo. Kaya n-nandito lang sana ako para humingi ng tawad."

Hinaplos niya ang kamay ko habang patuloy na umiiyak. "G-gusto ko lang sana na bago ako mawala." naputol ang sasabihin niya dahil bigla itong napayuko.

"M-mawala po?" gulat na tanong ko.

Tumango ito. "Pacreatic cancer. Dapat nga ia-admit na ako. Pero sabi ko, i can't die without asking for your forgiveness."

That explains why her sudden lost of weight. I thought it's just because of her stress since nabalitaan ko ngang natalo siya sa eleksyon. "A-alam ba nila Gio?"

Umiling siya. "But soon they'll know."

"P-pero..gagaling naman po kayo diba?"

I can't imagine the pain he'll go through once he finds out. Lalo na si Gabi ay nasa parehas na sitwasyon.

Hindi ito sumagot at hinigpitan lang ang hawak sa kamay ko.

Lahat ng nangyari dati bumalik isa-isa. Kung paano siya naging hadlang sa'min at kung paano niya kami sinubok. Kung paano kami nagsimula at kung paano kami unti-unting bumitaw. Kung paano namin kailangang tiisin yung layo, para lang maging maayos ang lahat.

Lahat 'yon dahil sakanya. At kung ako tatanungin, galit na galit pa rin ako. Siguro dahil naging malabo ang lahat at sa loob ng tatlong taon, parang may bagay na nakabara sa puso ko.

At ito na 'yon.

Hindi ko man maiibigay sakanya agad-agad yung kapatawaran na hinihingi niya, i can make sure that i'm already and officially starting the process.

"May ipapakilala po ako sainyo. Pwede po bang makahingi ng onti sa oras niyo?"

-

"Ito ba ang tinutuluyan mo?" i entered the code and swiped the door open and nodded. "Come in po."

Pinaupo ko siya sa sala. Nakita ko ang pag gagala ng mata nito habang tinitignan ang mga gamit sa paligid. Well, hindi naman ako mahihiya dahil maipagmamalaki naman ang bahay na naipundar ko.

Bumaba ang tingin nito sa mga laruan sa sahig,
bakas sa mata niya ang pagtataka bago nag-angat ng tingin sa'kin.

"M-mama! Mama! Mama!" sabay kaming napatingin kay Avo na hinahabol ni mommy. "Mama avo bonjour.." it's his way of saying he just woke up.

Muli kong tinignan si Senator na diretso pa ring nakatingin sa bata. "Avo..say bonjour to your lola."

"Wowa? But hews my wowa" he answered pointing at my mom.

I knelt down to his level para mas marinig at maintindihan niya ang sasabihin ko. "She's your papa's mama." agad na nagliwanag ang mata ng anak ko pagkarinig non. "You told me you want--"

Hindi na ako pinatapos dahil agad-agad na itong tumakbo papunta kay Senator na ngayon ay mukhang gulong-gulo pa rin.

"Wowa wowa! Anodew love wowa" Avo hugged her legs, swaying her a bit. Nagbaba siya ng tingin kay Avo bago dahan-dahang napaluhod. "Y-you look so much like my Gioele.." halos pabulong niyang sambit habang hinahaplos ang pisngi ng apo.

Tumingin ito sa'kin at doon nagsimulang lumuha. "Kamukhang-kamukha ni Gio."

Naiiyak rin akong tumango habang tinitignan sila. "Anak po namin 'yan." I said. Binalik niya ang paningin niya kay Avo who's now innocently looking at us, siguro nagtataka na yung bata bakit kami nag-iiyakan.

Avo then reached for his lola's face to wipe her tears with his small and little fingers. "Don't kway wowa.."

Hindi na napigilan ng matanda dahil agad niya na itong hinila upang yakapin ng mahigpit. Nasapo ko ang bibig ko nang bigla kong maramdaman ang paghikbi ko. I felt mommy's hands on my waist too, sa isang iglap lumapit na rin ako sakanya at doon umiyak.

-

"I'm sorry, Soiree. K-kung alam ko lang--"

"Hindi rin naman po namin alam. Nalaman ko na lang nung nakaalis na."

"But he doesn't know..k-kung alam niya lang--"

"Iiwan niya yung pinaghirapan niya sa Pinas? Yung sinakripisyo naming dalawa?"

Hindi ito nakasagot. "Paumanhin. Kung hindi dahil sa'kin--"

"Wala na pong magagawa kung magsisisihan pa po tayo. Besides, hindi ko naman po ipagkakait sakanya yung anak namin. Gusto ko lang..maghintay. Tulad ng huling sinabi ko sakanya, pag handa na kami."

"Mahal na mahal ka ng anak ko, Soiree."
"Hindi po naalis ang pagmamahal ko sakanya."

Everything went silent after that. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghila niya sa'kin para yakapin. "Salamat sa pagmamahal mo sakanya."

Parang dati lang halos ilayo niya ako sa anak niya..ngayon nagpapasalamat siya sa'kin dahil mahal ko ito.

"Salamat anak.."






投稿にいいねする


© 2026 Privatter All Rights Reserved.