@BELLENID0NNY
Soiree's POV
We've decided to drop by Franchezka's house because she said she wanted to see them for a little catching up. As soon as we arrived, there's Andres who obviously just woke up with his tousled hair and puffy eyes. I glanced at my sister who has now got everything prepared, Eos on his high chair..even her make up.
"OMGGGG SAVANNAAAH YOU'RE REALLY HERE IN PARIS" halos tumalon ang kapatid ko nang makita si Savi. They hugged each other like there's no more next time, leaving their child looking at them in curiousity. Then there's Ice who's eyes are still directed to my son. Kanina pa papunta, hindi niya matanggal ang tingin niya sa anak ko.
"Titow Yewo, why are you cwaying?" Avo innocently asked before looking up at me swaying my hand. "Mama tito's cwayingg. Je n'ai rien fait de mal." he defended himself by saying he did not do Yelo wrong.
"Woi! Bebehlabs. Makaiyak naman 'to, baka nakakalimutan mong hindi ikaw ang tatay niyan?" Seems like she's done catching up with my sister kaya pumunta na siya sa asawa niya na ngayon ay hindi na maitago ang luha.
"Masaya lang kasi ako." diretso at seryosong sagot ni Yelo.
"Oh siya, kain muna kayo. I bought croissant on my way home from jog!" pagtawag ni Chez sa'min. "And i bought this from Sua's shop! This is her recipe kaya tara!"
"Eh paano asawa mo? Hindi ba natin hihintayin?" Tanong ni Savi.
Maloko itong ngumiti at ngumisi. "Nako! Madalang mag breakfast 'yon ng pagkain--"
"Franchezka incase makalimutan mo, may tatlong bata tayong kasama dito."
"Okay. Okay."
-
When we were done eating, agad na nag presenta si Savi na tulungan ang kapatid ko. Ang mga bata ay naiwan sa kwarto ni Eos, they seemed happy with their newly-found-friend, hindi ko na lang alam paano papatahanin 'yan si Avo once bumalik na sila Avalon sa Pilipinas.
"Okay ka lang?" I asked Isaac who's now dazing off the veranda, he's still holding unto his cup. Mukhang malalim ang iniisip, I'm sure tungkol sa'min kaya nilapitan ko na.
Agad naman itong napalingon sa'kin. "Mukha ba ako magiging okay sa nalaman ko?"
Akala ko seryoso siya, pero natawa na lang din ako nang makita ko siyang tumatawa. "Kamukhang-kamukha ni Saavedra."
I nodded. "Saavedra din eh."
"Ilang taon na siya?"
"Turning three, this October 24. 3 days from now." Nakangiting sagot ko at natigilan naman siya.
"P-parehas sila ng birthday???"
"Hmm. Parehas. Sa 30 pa naman balik niyo Pinas diba? Punta kayo sa opening ng branch ko. Sa birthday ni Avo."
Nakalimutan kong sabihin dahil biglaan lang din naman ang pagkikita namin. He nodded and turned his gaze to the buildings again. "Soiree, wag mo mamasamain ah?"
"Promise, hindi."
"Bakit mo tinago si Avo kay Gio?"
I've been expecting to hear that question, lalo na galing sa kaibigan niya. Sa matalik na kaibigan niya.
I took a deep breathe, hinanda ko ng matagal ang sarili ko para dito. It's now or never. "The night we chose to preserve our love, we knew we both never wanted to be away from each other."
I paused reminiscing the pain that night brought my life. "But we had to. Because everything was in chaos, we lost control of how to rightfully deal with ourselves. Magulo na. H-hindi na nga kami nagkikita halos, yung mga dating normal naming ginagawa—nagiging pangako na lang."
"W-we can't even say "i love yous" without hurting each other after. Magkakaayos..pero magugulo ulit. Mas malala. Parehas kaming nasira, Ice. To the point na yung pagmamahal unti-unti nang napapalitan ng takot."
I gulped. "Mahirap maiwan. Pero mas mahirap mang-iwan ng taong alam mong mahal mo pa..at mahal ka pa. Hindi ko alam paano dadalhin yung sarili ko sa pinto nung umagang gumising ako at natutulog pa rin siya. Ilang beses ako nagbalak na bawiin yung desisyon ko at tumakbo na lang pabalik. But i'm glad i didn't."
Naramdaman ko ang luhang pumatak sa pisngi ko at agad na pinunasan 'yon. "Kasi Ice, kung nanatili ako don. Kung nagpatuloy ako don. Hindi lang siya ang mawawala sa'kin. Pati yung anak namin." napatingin ako kay Avo na ngayon ay nasa sala na at nakikipaglaro pa rin.
"Sabi ng doctor makukunan na dapat ako. Because of what happened at dahil hindi ko nga alam, napabayaan ko." i forced a smile. "Pero kumapit yung bata. Kumapit siya para sa'min ni Gio."
"Kung alam lang ni Gio, hindi ka niya hahayaang umalis."
"Exactly. He couldn't even look at me while i vomit. Attend our supposed wedding preparations. Grant all his promises. All because he was torn between all his priorities." madiin na sambit ko. "How would you expect him to handle us..when he couldn't handle me alone."
I'm never mad at him. But i'd probably be mad at myself if ever i see our son experience the same thing. "Ang hirap na ng sitwasyon namin..at mas humirap pa nung pumasok siya sa politika. Bilang isang ina, gusto ko lang protektahan ang anak namin pareho."
"Tatlong taon. Ano ba naman yung maghintay ng tatlong taon na kaya namang punan ng ilang buwan lang. Kesa magsisi habangbuhay na mawala sila sa'kin pareho.
He nodded. "Kahit ano pa man 'yan, wala akong karapatan kwestyunin ang mga naging desisyon mo bilang isang ina. Kasi kahit ako naman, gusto ko lang din yung magpapabuti at magpapaayos sa anak at sa pamilya ko."
"Buti at kilala niya si Gio?"
"Kasi hindi ko naman siya tinago..nilayo ko lang siya."
Muli siyang humigop sa kape niyang na malamang sa ngayon ay malamig na. "Eh yung kaibigan ko, mahal mo pa ba? Hahaha"
Agad akong napatingin sa singsing na suot ko at pinakita 'yon sakanya. "What do you expect, i'm still engaged to him."
Nanlaki ang mata nito nang makita ang kumikinang na bagay sa daliri ko. "Y-yan yung--"
I just shrugged and proudly smiled. "Never took it off."
"And i never plan to."
Sabi ng iba, pag iniwan mo yung isang tao doon mo makikita ang pagwawakas. Kaya nga tinapos diba? But in our case, nung gabing nagkasundo kaming pipiliin namin ang isa't-isa. That's when i knew he's the right man for me. That's when i saw that 'extent' of love that not everyone could outreach.
Lahat kayang magmahal. Pero hindi lahat kayang magparaya para sa minamahal nila.
At hindi lahat ng pagpaparaya ay pagwawakas, minsan..'yon ang pinto para sa panibagong simula.