@BELLENID0NNY
Gio's POV
Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkahiga nang marinig ko ang pagsasalita niya.
[S] Pwede na ba tayong mag-usap?
Tinignan ko ang anak namin bago ako tumango at maingat na tumayo. Sumunod naman siya ngunit nilagyan muna ng harang ang paligid ni Avo para hindi nito maramdaman na nawala kami sa tabi niya.
Pinagmasdan ko ang mga bituin sa labas at pinakaramdaman ang sariwang hangin na humahampas sa'kin. Buti na lang at nakapag-jacket ako..pero ang kasama ko mukhang hindi pa tinatablan ng lamig.
"Cheers?"
"Cheers."
I took a sip of my canned-Heineken beer while waiting for her to speak.
[Gio] Ilang taon na si Avo?
[Sua] Turning three..this October 24th.
Natigilan ako. M-magkabirthday kami?
[Gio] If he's turning three, and we broke up almost three years ago. That only means that my hunch was right back then. Buntis ka na non, Sua.
[Sua] I was two months pregnant when we broke up.
[Gio] And you didn't tell me?
[Sua] I'm sorry.
Ha. Sorry? Yun lang? Pagtapos maitago sa'kin ang anak ko ng ilang taon, sorry na lang?
[Gio] So..sorry na lang? You could've told me about him. Pwede mo akong tawagan. Pwede mong sabihin, Sua.
Uminom ito sa beer niya bago bumaling sa'kin.
[Sua] Sorry if i had to choose. Sorry kung mas pinili ko ang anak natin kesa satin pareho. P-pero kung ibabalik ko man yung araw na 'yon, sorry pero ayon at ayon pa rin ang gagawin ko.
Napaawang ang bibig ko dahil sa naririnig..
[Gio] Pinagkait mo sa'kin yung anak natin, Sua. Hinayaan mong sa TV niya lang ako makilala! Hindi mo man lang ako binigyan ng tyansa mahawakan at maramdaman siya?
Napahilamos ako sa mukha ko at yumuko. Bilang ina, naiintindihan ko siya. Alam kong wala siyang magiging desisyon na hindi para sa ikakabuti ng anak namin.
Pero bilang isang ama..nanghihinayang ako.
"Sa halos tatlong taon ng anak ko, wala ako don. Nung unang ngiti niya, yung unang pagdilat niya, yung unang pagsasalita niya, yung pakiramdam na mayakap siya. Yung matakot at matuto bilang isang ama, yung magpuyat para sa anak.
..at higit sa lahat yung maalagaan kayo."
Pakiramdam ko wala akong kwenta kasi wala akong nagawa para sakanila.
[Sua] I'm gonna ask you something..k-kung sakaling bumalik ako..kami ng anak mo nung araw na 'yon. P-paano mo masisiguradong ligtas ang anak natin k-kung yung buhay mo mismo nanganganib non?
Being a city mayor, i must say it was one of the most challenging thing that i've done in my whole entire life. I've experienced countless attacks, threats and even multiple attempts, dahil marami ang uhaw sa kapangyarihan.
My mom even had to bring Gabi to the states because of her safety and treatment.
Narinig ko ang pagsinghot niya nang abutin niya ang kamay ko. "I had to choose. And i chose our son over anything else. K-kung mapapalagay siya sa peligro..parehas nating hindi kakayanin 'yon, Gio."
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa'kin. "You have no clue how much it killed me seeing you go through everything and i couldn't even do something about it. Kung ilang beses ko pinigilan yung sarili ko kasi nasasaktan ako. Kasi tulad ng pagmamahal ko kay Avo, ganon rin yung nararamdaman ko sa'yo.."
"Pero..kailangan kong mamili..kahit pa masasaktan tayong pareho."
Naiintindihan ko naman siya. Desisyon niya 'yan bilang ina, at tama naman siya. Kung ako yung nasa posisyon niya at nagkataon na siya ang nasa malayo, mas pipiliin ko pa rin ang seguridad ng anak namin.
[Gio] But you could've just told me. Kahit yun lang.
She nodded. "I'm sorry about that. I'm fully aware if my mistakes too. Sorry kung pinangunahan kita."
Wala naman na mangyayari kung magsisisihan kami. Ang mahalaga, narinig ko ang paliwanag niya para kahit papaano gumaan. Kasi kung papatagalin pa namin 'to, para na naman kaming nagdadagdag ng sasayanging oras sa tatlong taon na 'yon.
[Sua] Kung galit ka..
[Gio] Paano mo kinaya, Sua? Iniisip ko pa lang na umiiyak kang mag-isa naninikip na dibdib ko. Wala man lang ako para ibigay yung mga pangangailangan mo. Wala man lang ako para itakbo ka sa hospital, wala man lang ako para hawakan yung kamay mo nung--
Humihikbi kong sambit nang hilain niya ako para yakapin. Epekto na rin siguro ng alak kaya ang bilis bilis bumuhos ng emosyon ko.
[Sua] Kinaya ko..para sainyong dalawa.
I felt my gaze spinning, bakit ko ba nakalimutan na hindi para sa'kin ang alak. Onti-onti nang nanlalabo ang paningin ko ngunit pilit ko pa rin siyang inaaninag.
Nang akala ko'y tuluyan na akong nakakalma, muli na namang bumagsak ang luha sa aking mata. "Mahal na mahal kita, Sua. Mahal na mahal na mahal na mahal kita."